Websites, business tools, at automation.

Mahusay na software.Sama-samang binuo.

Bayanihan, sama-samang paglipat ng tahananTanawin ng bayanihan na may dalawang burol at lawa. Sama-samang binubuhat ng mga tao ang isang maliit na bahay kubo.

Pindutin ang kubo. Tutulong ang mga kapitbahay.

Susunod na hinto: kanang burol

Ano ang gusto mong mapadali?

Dapat akma sa trabaho ang tools mo. Tutulungan ka naming bumuo ng bago, ayusin ang meron na, o pag-ugnayin ang mga system na ginagamit mo.

Software development

Padaliin ang transaksiyon ng customers o bigyan ang team ng tool na akma sa trabaho. Gumagawa kami ng websites, web apps, at internal tools.

Mga puwede nating buuin
  • Business websites at web applications
  • Customer portals at booking tools
  • Internal tools at product prototypes
Mag-book ng libreng konsultasyon

Automation at integrations

Bawasan ang pagkopya ng parehong data sa iba’t ibang tool. Pag-uugnayin namin ang systems at gagawing awtomatiko ang reports, notifications, at pagpapasa ng trabaho.

Mga puwede nating buuin
  • Magkakatugmang data sa mga tool
  • Awtomatikong reports at document workflows
  • Notifications, approvals, at handoffs
Mag-book ng libreng konsultasyon

AI features at workflows

Maghanap ng sagot sa dokumento, maghanda ng draft, o magproseso ng impormasyon. Gagamit tayo ng AI para sa malinaw na gawain, na may limitasyon at pagsusuri ng tao.

Mga puwede nating buuin
  • Paghahanap at sagot mula sa mga dokumento
  • Drafts, buod, at pagproseso ng dokumento
  • Tulong ng AI sa kasalukuyang tools
Mag-book ng libreng konsultasyon

Technical consulting

Alamin kung posible ang ideya, suriin ang kasalukuyang system, o planuhin ang susunod na proyekto. Ipapaliwanag namin ang mga opsyon bago ka maglaan ng oras at budget.

Kung saan kami makakatulong
  • Pagsusuri kung posible ang ideya
  • Pag-review ng kasalukuyang software
  • Scope, prayoridad, at teknikal na plano
Mag-book ng libreng konsultasyon

Paano tayo magtutulungan

Kilala mo ang negosyo mo. Dala namin ang teknikal na kakayahan. Kasama ka sa pagbuo mula sa unang usapan.

  1. Linawin ang problema

    Ipakita kung paano ginagawa ang trabaho ngayon. Pagkakasunduan natin ang kailangang baguhin, uunahin, budget, at iskedyul.

  2. Subukan habang binubuo

    Magagamit mo ang software habang ginagawa pa ito. Sa feedback mo, makikita natin agad ang dapat ayusin habang mas madali pang baguhin.

  3. Gamitin sa totoong trabaho

    Susuriin at ilulunsad natin ang software, at ipapaliwanag namin kung paano gamitin. Kasama sa usapan ang handover at anumang patuloy na suporta.

Nakaugat sa bayanihan

Sa bayanihan, nagtutulungan ang mga tao, gaya ng magkakapitbahay na nagbubuhat ng bahay.

Ganyan din kami gumawa ng software: nakikinig sa mga gagamit, nagbabahagi ng kaalaman, at kasama ka sa pagbuo.

Mag-book ng libreng konsultasyon

Pilipino ang pinagmulan, katuwang ang mga kliyente saanman sila naroroon.

Bago tayo magsimulang bumuo.

Kailangan ba ng technical brief?

Hindi. Ikuwento ang gusto mong ayusin at ipakita kung paano mo ito ginagawa ngayon. Puwedeng magsimula sa spreadsheet, halimbawa, o simpleng usapan. Tutulungan ka naming linawin ang requirements.

Puwede bang gamitin ang meron na kami?

Oo. Puwede naming suriin ang website, application, o workflow mo at tulungang pumili kung ano ang pananatilihin, aayusin, o pag-uugnayin. Puwede rin kaming makipagtulungan sa team mo.

Magkano at gaano katagal ang proyekto?

Depende sa scope, mga system na kasama, at kailangang baguhin. Kapag malinaw na ang trabaho, pag-uusapan natin ang estimate at mga milestone, at pagkakasunduan ang scope bago bumuo. Libre ang paunang konsultasyon; hiwalay ang detalyadong review at implementation.

Magsimula tayo sa isang usapan.

Ikuwento ang gusto mong buuin o ang trabahong gusto mong mapadali. Kahit hindi pa buo ang ideya, puwede na tayong magsimula.

Ikuwento kung ano ang meron ka

  • Ang trabahong gusto mong mapadali
  • Ang tools na ginagamit mo ngayon
  • Anumang target na petsa o budget

English o Filipino. Kung saan ka komportable.

Hanapin natin ang susunod na hakbang.

Pumili ng oras sa Calendly para sa libreng konsultasyon. Pag-usapan natin ang kailangan mo at kung kami ang tamang makatulong.

Mag-book ng libreng konsultasyon

Hindi kailangan ng kumpletong brief.